29.9.13

Pathetic

Okay. So nagnilay-nilay ako nang slight at napagtanto kong medyo pathetic 'tong pinagdadaanan ko. Therefore ititigil ko na ang pangungunsinti sa feels ko at hahayaang mangyari ang mga pwedeng mangyari. Kung wala man e di wala.

Tinatamad na ako kay F. Minsan natutuwa ako sa pagiging pa-girl n'ya (sexist ako minsan), kaso minsan naman ayoko ng alagain. S'ya ang pinakabata sa lahat.

Ayokong i-push si M. Ayoko lang. Nakakatamad at maraming kumplikasyon.

Si B? Gusto ko s'ya kaso hindi ko s'ya matantsa. E-effort pa ba 'ko? 'Wag na, dadagdag pa ako sa bagahe n'ya.

Gusto ko si A. Masarap s'yang kausap at magaan kasama. And at least may linu-look forward ako sa sembreak dahil sa kanya. Yikee.

No comments: