19.8.13

Aww, I miss my almost-roommate, G.

Parang walang masaya sa mga lalaki sa buhay ko na palagi kaming magkasama lately ni G. Hindi ko masyadong gets.

vomit

Hiling ko ang araw-araw na ikaw
Sa pagbukang liwayway at sa pagdilim ng mga ulap
Umaapaw, dumadaloy, tumatagos

Nais ko ang araw-araw na ikaw
Titignan pa rin kita nang katulad ng paminsan-minsan
May yapos, matagal, nagsusumamo

Kabisado ng puso ko ang tulang isinulat mo
kasabay ng mga tingin at pagbagsak ng mga paa tuwing tumatakbo
ang lahat bukod sa oras
Hinihiling na sana sa akin
tulad ng bagong liwanag sa iyong mukha, gaan sa iyong hakbang,
at kung hindi man ay sa buwan

Kung hihilingin ko ang araw-araw na ikaw
pagbibigyan mo kaya
tatanggapin mo kaya ang araw at isisiksik
sa bag na puno
(mga bulsang lumolobo)
---
(bahala na kung makita n'ya 'to mukha lang psycho char)