4.4.14

kelan ba

Minsan mapapatanong ka na lang sa hangin, habang nakahiga, nakatititg sa kisame; kailan ba nagbago? Kukunin mo cellphone mo o mag-la-log in ka sa Facebook mo, babalikan mo 'yung convos n'yo, hahanapin mo; kailan ba nagbago?

Isang araw daw bigla na lang n'yang naisip, gusto n'yang mag-focus sa craft n'ya at sa sarili n'ya. Pero hinahanap mo, wala namang marka sa documentation mo ng buhay n'yo kung saan kaya nagbago. Excuse.

'Yung isa, hindi mo talaga mawari. Hindi mo alam kung pagsisisihan mong bigla kang nawala. Na siya ay bata at ikaw may mga responsibilidad ng isang matanda. Hindi na kaya ang mga dating pasulpot-sulpot na adventures.

Sana bumalik na lang ang lahat sa dati. Promise, ibibigay ko ang lahat, hihintayin ko ang sagot mo, at hindi ako papayag sa "keri".