23.9.13

Ang huling dalawang araw na nakasabay kita sa biyahe ng bus

Kasabay nang paggiba sa lumang overpass ng Philcoa ang desisyon kong magpaalam na sa nararamdaman ko sa 'yo.

Noong araw na sabay tayong lumuwas mula sa Muntinlupa papuntang rally, sabay din tayong umuwi mula UP. Saktong-sakto, pauwi ako galing sa isang meeting sa Sarah's, ikaw mula sa org event sa Maskom. Nagkita tayo sa ilalim ng overpass.

--

Hindi ko makakalimutan ang gabing una kitang napansin, galing rehearsal shoot, sa bahay nina CPG, sa harap ng book shelf.
Pangalawang beses pagkatapos ng shoot, sa apartment, nag-aagawan ng patutugtugin.
Pangatlong beses sa UP, pagkagaling mong 10K run. Proud ako kahit wala akong karapatan. Pumunta tayo sa lumang clay court.
Pang-apat na beses sa Sarah's, kakauwi lang ni Rob galing Cebu. Ang pogi mo no'n.
Lagi't lagi na kitang napapansin pagkatapos no'n.

May mga panahong akala ko ayaw ko na sa 'yo. Noong una dahil ang hirap mong abutin, pagkatapos ay meron ka palang ibang gusto. Pagkatapos ay ibang mahal.

--

Kaya ititgil ko na, at bukas ay iiiwan sa overpass.