19.3.13

Tunay?

Tila lumalabas ang tunay na ugali ng magkarelasyon kapag magkahiwalay na kayo.

It has been a while since the last time I have felt this humiliated. And that was also because of you.

Overly Dramatic Kasi Ako

Sana sinabuyan mo na lang ako ng asido sa mukha
Ano, overly dramatic pa rin ba?
E kung umiiyak ako ngayon?
Emotional wreck ulit, ganon?
Sana minura mo na lang ako, sana sinaktan mo na lang ako nang deretso, sana sinabi mo na lang lahat ng ayaw kong marinig.
Pero sana hindi mo ako pinira-piraso.
Halos 'di na nga ako umimik, handa na akong tanggapin na ako lahat ng 'to, kasalanan ko 'to, sige, impatient ako, selfish, bitch, ano pang gusto mo? Pero 'yung ganito?

At least wala nang kontradiksyon. Sigurado na ako.

Ubos na.

Ibig sabihin kailangan ko nang matulog. Paano kung may mga bagay pang hindi natatapos? Aantayin ko bang mag-umaga o ipagpapaliban na lang muna?