18.2.14

Maaari ba akong umiyak lang ngayong gabi?

Ang problema, pati pag-iyak hindi ko na makuhang gawin. Hindi ko na kayang gumalaw. Pwede bang hindi na? Pwede bang tangina ng mundo ayaw muna kitang makita?

O pwede rin bang nandito ka na lang sa tabi ko? O sige, kahit sumaglit lang sa isang araw? Kahit saan, kahit papaano, kahit kailan. Pwede bang marinig ko lang na ika'y akin pa rin? Na ika'y hihintayin pa rin? Sa kabila ng lahat, iyon lang; ikaw lang.