22.2.12

Pakyu

Dahil hindi pelikula ang buhay, walang ending. Walang ma-dramang confrontation sa ilalim ng bumubuhos na ulan. Walang biglaang pag-blurt out ng totoong saloobin sa harap ng publiko. Walang reconciliation, walang closure. Meron lamang talo at panalo. Merong nakaisa at naisahan. At sabi nga ni C, ang susi ay tanggapin na minsan sa iyong buhay ay naisahan ka.

Gusto ko sanang pelikula na lang ang buhay. Mag-so-sorry s'ya, mag-so-sorry ako. Pwedeng maging magkaibigan kami, pwedeng hindi na. Pero masaya, magaan, walang hang-ups. Walang Charlie Nicholson (High Fidelity) at Summer (500 Days of Bullshit). Buti pa sa Closer, may mga paghaharap na nagaganap bagkus magulo. Ngunit hindi sa tunay na buhay.

Sa tunay na buhay, tiis-tiis lang. Hindi mo masasampal ang gusto mong sampalin. Hindi mo maririnig ang sorry na gusto mong marinig. Sa mga oras na 'to masama ang mga naiisip ko, gusto kong manira ng buhay. Pero alam kong hindi ako ganoon. At alam kong hindi ko gagawin 'yon.

Sabagay, kung ano man 'yung mga kasalanan n'yang 'yon, pinagbayaran n'ya na 'yon. Pero mukhang ako ngayon pa lang.

ANG DRAMA KO. Masyado akong maraming alam. Ako naman kasi 'tong masama ang ugali.

O s'ya. 'Yun lang. May masabi lang.

----

Dinededma ako ni C. Wala lang. Tampo hits. Hehe.

No comments: