18.4.12

what is this poverty

gutom na gutom na ako at wala akong pera. sobrang payat ko na, oo, pero aminin nating hindi pa rin papasang pulubi ang kutis kaya kahit siguro mamalimos ako sa labas wala ring magbibigay. alam ko ring kailangan ko nang umuwi sa magulang ko pero wait lang, mamaya-maya siguro. dami ko pang iniisip e. mukhang doon muna ako titira nang ilang araw, mag-re-recharge, mag-iipon ng lakas at fats para makagalaw-galaw ulit sa mundo.

naiisip ko nga na what if ang raket ko e "meal companion?" tamang pwede akong kontakin ng mga gusto ng company during lunch break tapos ang bayad lang e ililibre ako ng pagkain. (siguro pag malayo may transpo allowance pang-commute, kung may kotse e di sunduan.) di ba? hindi na ako magugutom. para akong on-call date for rent pero para lang talaga sa mga gustong may kasabay kumain. maayos at masaya rin naman akong kasama at kausap, at magana rin akong kumain. pwede ko ring bagayan kung anong trip nung tao, mapa-street food, home-cooked, o fine dining. kung may pera siguro ako magbabayad din ako minsan para dito, hindi kasi ako makakain nang walang kasabay. sana may makaimbento ng ganito, sasali ako.

sana magkaroon na 'ko ng raket papa jisus.