4.8.14

Ganito kasi 'yan

Miss na kita. Wala na akong naka-connect na papantay sa atin noon. At sa totoo lang, mahal naman talaga kita. Kaso baliw ka, e. As in, hindi bilang adjective, bilang noun. Bilang tao. Ang gusto ko lang naman mangyari ay mawala 'yung kabaliwan mo. Pero sino ba ako para diktahan 'yon, 'di ba? Alam ko namang hindi madali. Ako nga struggling pa rin at nababaliw pa rin from time to time. Siguro kasi alam ko na ngayon na kayang igpawan ang kabaliwan. Hindi man totally, pero enough para hindi maging destructive. Ang pinaka-sane na mga araw/linggo/buwan ng buhay ko ay 'yung wala ka. O, hindi na subjective feelings 'yan. Based na 'yan sa true story. Marami pa akong proof kung bakit ka baliw at kung bakit nababaliw ako 'pag nandyan ka and not in a good way. Pero hindi ko na kaya isa-isahin 'yun, e. Gano'n s'ya nakakabaliw. Masyado na ring maraming masasakit at malalim na things, hindi na kaya tapalan ng bagong memories.

Sayang. Mahal naman talaga kita, e.

tangina n'yo pala e

ayoko na talaga muna ng lalaki. sana lumayo-layo muna sila sa 'kin utang na loob.