26.12.12

Isang Mabilis na Rant hinggil sa Pakikipagrelasyon

Minsan ayaw ko na lang mag-isip. Gusto ko na lang humawla, putulin ang contact, magpalit ng number, kung pwede lang, e, lumipat ng bahay. Masyado akong mahina para sa ganitong klase ng feelings. Di ko kaya yung constantly caring at incessantly worrying na moda sa buhay. Kaso bawal gumive up any-any kasi kupal daw ang tawag doon.

Pupunta s'ya sa ganito, pupunta sa ganyan, kasama si ganito, kasama si ganyan. E kung matino ba naman 'yung karelasyon mo simula't sapul, e, wala naman talagang problema pero kung pangit ang track record medyo expecting ka ng matindi-tinding pag-re-redeem. At doon pumapasok ang problema. Expectations lead to disappointment. Cliche pero logical.

E 'di 'wag kang mag-expect, 'di ba? 'Yun nga ang sinusubukan kong i-master pero for some reason nag-li-lead lang ako into thinking na, para ba talaga sa 'kin 'to? Minsan kasi naniniwala talaga ako sa utak ko na I deserve something/someone else. Masakit lang din talagang makipaghiwalay. As in literal na masakit sa pagkatao, physiologically. So hindi puso ang may sala, itong utak natin na hard-wired na makaramdam ng sakit kapag may nawawala sa 'tin at/o na-re-reject tayo.

Madalas akong magalit, tapos iisipin kong ayoko na talaga. Sawa na 'ko. Ayoko ng ganitong buhay-pakikipagrelasyon. Gusto ko ng smooth-flowing, hindi sa fairytale-ish pero 'yung alam mo lang sa sarili mo na tama 'yon, 'yung hindi mo kinokontrata 'yung sarili mo. Sarili mo as in personality, upbringing, values. 'Yung hindi mo kailangang, tangina, piliting paniwalain 'yung sarili mo na, okay lang ang lahat, masaya naman kayo, 'di matindi 'yang problema n'yo, lahat dumadaan d'yan, worth it naman 'yan kasi mahal ka n'ya, at higit sa lahat, e ano naman kung ganyan s'ya, at least hindi s'ya nambababae? Ayun na. Don't get me wrong, ano. Masaya ako at naging faithful s'ya, at least physically, sa 'kin, pero why am I supposed to be thankful? 'Di ba dapat given na 'yon?

Mabalik tayo sa pagkontra-kontra sa sarili. Hindi kasi talaga kami magkaintindihan at kahit anong gawin namin, hindi talaga kami magkakaintindihan. Una, dahil lalaki s'ya. Kahit anong sabihin ng kahit na sino, hindi n'ya naranasang matakot na mapagsamantalahan ng taong significantly mas malakas sa kanya, na by the way, hindi lang namin isa, dalawa, tatlo, isangdaang beses naranasang mga babae sa buhay namin. Unless naranasan na ng lalaking ito na magtagal sa kulungan na tamang 'yung mayor/lider ng selda nila, e, trip s'ya. Bukod pa doon, s'ya 'yung tipo ng lalaking na sa paghanap ng partner ang unang tinitignan ng tao ay physical appearance. Kamusta naman ang pressure noon 'di ba? Babae na nga ko't 99% ng objectified, commodified, at standardized na mga bagay sa mundo e nag-co-consist ng kababaihan, patungkol sa kababaihan, parte ng katawan ng kababaihan, at kung anu-ano pang may kinalaman sa kababaihan, tapos eto, eto ang pressure. Napapaligiran s'ya ng magagandang taong alam kong hindi ko kayang pantayan physically at alam ko ring ang tanging pumipigil sa kanyang kumantot ng iba, e, alam n'yang mawawala ako, pero in his mind, it has been done so many times. At dito pumapasok 'yung "at least hindi s'ya nambababae" comments ng mga tao na i-ne-expect yata ng lahat na maging thankful ako.

Pangalawa, magkaiba ang lifestyle at upbringing sa 'min. Wala ako masyadong values pero 'pag tinabi mo 'yung buhay ko sa kanya parang ang dami ko no'n. Dati nung medyo bago-bago pa lang kami sinasabihan n'ya akong masyadong uptight, so 'yun na nga, magkaiba talaga kami. Hindi talaga ako lumaking manginginom at mabarkada. Feeling ko okay naman kasi ako, e, choice kong 'wag masyadong maging maligaya sa buhay. Marami naman na 'kong nasubukan at saksi ang blog na ito (at iba ko pang blogs) dyan pero hindi ako kasing wild ng mga naisusulat ko. Hindi ko lang kasi naitatala 'yung mga araw na sober ako. Ha, ha. Halimbawa ng pagkakaiba namin, eto, hindi ganon ka-literal pero it kind of explains the point, s'ya ay isang musikerong gustong mag-travel, mag-beach, mag-trip sa Amsterdam, ako ay isang talentless na taga-syudad na ayaw umalis ng syudad, gustong magkaanak, mamuhay, tumanda at mamatay sa syudad, the end. Dissimilar interests and life habits? Malaking problema. Pinapa-imagine ko sa kanya minsan na what if ako 'yung musikero na gusto lang mag-wander, hindi nagmamadali sa buhay, lumalabas para uminom with friends nang wala s'ya, what would he feel? Well, hindi n'ya raw ma-imagine. Kamot ulo na lang ako.

Pangatlo, sinasaktan namin ang isa't isa. Masakit kami magsalita kapag galit kami. Nahihila n'ya 'ko, pinipilit, hinahawakan nang mahigpit. Nasapak ko na s'ya, nabato, at nasipa. Tinutulak ko s'ya kapag ayoko s'yang lumapit o tinatanggal ang kamay n'ya kapag galit ako at ayaw magpaamo. Kapag ginagawa ko 'yon lalo lang s'yang lalapit, aasarin ako, hahawakan ng mahigpit, o mag-me-make face. Nagsasagutan kami sa publiko. Nagagalit s'ya kapag umiiyak ako, over daw, ang sensitive ko naman daw. Kapag naman galit s'ya pero wala s'yang nakukuhang reaksyon mula sa 'kin, pino-provoke n'ya 'ko nang i-po-porovoke hanggang sa magalit na ako, tapos doon na babaliktad ang sitwasyon, ako na bigla ang "OA."

Pang-apat, hindi ko maintindihan kung bakit pero pangit ang relasyon namin sa mga kaibigan ng isa't isa. Okay lang naman ako sa mga kaibigan n'ya pero isa kasi silang malaking factor kung bakit ang bagal n'yang tumanda at hanggang ngayon, e, living like he's 21 pa rin. Tapos sa isang mayabang na lebel naman, minsan tamad lang akong makihalubilo kasi hindi ko sila ma-gets, kasi hindi lang talaga ako ganon, at minsan hindi ko ma-take 'yung yabang nila sa mga buhay nila. Hindi rin ako sumasama sa mga family gatherings nila, same reason. Kilala n'ya halos lahat ng mga kaibigan ko, ang problema naman, e, may mga kaibigan akong nasira ang relasyon ko sa kanila dahil sa kanya. Mahabang kwento. Okay naman ang pamilya ko sa kanya, pero dahil pamilya ko sila pine-pressure lang talaga nila 'ko kasi they're expecting something more from me. Kumbaga, sige, fine, hindi nila kekwestyunin 'yung jowa ko dahil pinili ko na 'yon, pero from time to time, hihirit sila o magtatanong kung ano na bang nangyayari sa buhay ng karelasyon ko. Minsan hihirit ng mabilis ng kung ano bang nakita ko o somewhere along the lines of "you deserve better."

Panglima, paulit-ulit mga problema namin, paiba-iba lang ng version.

Pang-anim, magkaiba talaga kami. Oo, inulit ko lang 'yung pangalawa to emphasize kung gaano ito kahalaga. Oo, naghahanap s'ya ng trabaho, sinasabi n'yang gusto n'yang magkapamilya kasama ako. Well, I'm sure. Pero not in the near future dahil hindi pa s'ya handa magkapamilya, hindi lang financially. Marami pa s'yang gustong gawin at na-se-stress ako na para bang pinapalabas n'yang binabago n'ya ang buhay n'ya para sa 'kin. Sa totoo lang may part sa 'kin na nagagalit dahil parang utang na loob ko pang nagbabago s'ya na parang, "Shut the fuck up, 'wag ka nang puro reklamo, eto na nga, e, ginagawa na 'yung gusto mo, ano pa ba? Pati ba naman 'yung paglabas-labas papakialaman mo pa? Minsan lang naman e." (Syempre 'di n'ya talaga sinabi 'to, it's just how I feel.) Hindi kasi nag-ca-cancel out 'yon. Magkaiba silang issue. Hindi dahil ginagawa 'yung isang bagay, e, that makes it okay na gawin 'yung isa pa dahil lang you've been good sa kabilang aspeto.

Ayoko lang din talagang pinipilit ang mga bagay, meron ngang working things out, pero mararamdaman mo rin kapag masyado nang pilit at hindi na natural para sa inyo pareho. He goes out of his way para lang sa 'kin, pagdating sa pagsundo sa trabaho, pag-aalaga, pagtawag, at kung anu-ano pang boyfriend ka-cheesy-han, at mukhang willing naman s'yang gawin 'yon, pero iba 'yung babaguhin n'ya 'yung life n'ya dahil lang sa 'kin. Gets ko kung gaano kahirap dahil ako man hindi ko kayong baguhin 'yung "values" ko para sa kanya. Hindi ko kayang, sige, manood ka ng porn mo, bumili ka ng men's magazines mo, inom kayo ng friends mo, mag-drugs ka lang dyan, sige, punta ka dagat all you want. Gusto kong ibigay pero hindi talaga ako 'yon and I think he deserves someone who he can be genuinely happy with, na susuportahan s'ya sa mga trip n'ya, hindi mag-ro-roll ng eyes kapag nag-share n'ya 'yung mga plano n'ya or mas okay, hindi n'ya na kakailanganing mag-share ng mga plano n'ya, tamang it will just come naturally. 'yung taong tatawa kapag kinwento n'ya 'yung night out n'ya, 'yung hindi s'ya sasabihang mataba at ipagluluto pa s'ya, 'yung uuwi sa Puerto Princesa kasama n'ya, pupunta sa family gatherings, at makikihalubilo sa mga kaibigan n'ya, ipagsusulat s'ya ng tula, bibigyan s'ya ng masahe kapag pagod s'ya, papanoorin gigs nila ng banda n'ya, magpaplano ng future kasama s'ya. Dati masasabi ko pang ganito ako or at least kaya kong gawin ang mga 'to para sa kanya, pero wala, e, hindi ko na maalala kun kailan tumigil 'yung feeling na 'yon.

I can never be that person again, and the thought hurts me. Dahil alam kong unfair na hindi ko na maibibigay 'yon sa kanya. Nagbago na 'ko ang that's that.