Nasasaktan pa rin ako pero tanggap ko na. Does that make sense?
Sabi ng kaibigan ko, kapag nasaktan ka raw, most likely i-i-inflict mo rin 'yung pain na 'yun sa iba. Feeling ko nga. Feeling ko kailangan ko munang mamanhid pagkatapos nito.
Hindi ko nga gets kung bakit ba biglang ang big deal ng pagkakaroon ng someone sa buhay ko e. Nabubuhay naman ako dati nang ako lang. Walang pakialam kung may lovelife o wala. Ang takot ko ngayon pati ba naman self-affirmation hahanapin ko na rin sa iba? 'Wag ganon.
Kailangan ko ng mga bagong hobbies, o di kaya bumalik sa mga dating hobbies. Kailangan ko rin yatang dalasan ang pag-uwi sa mga magulang ko. Kailangan ko rin ng bagong mundo.
Ang hirap din ng maraming pinoproblema ha, sa totoo lang.
Feeling ko maximum ko na yung six months sa isang sirkulo. Ang dali ko kasing masaktan at ang tagal mag-move on.
Kailangan ko ngang mag-excel sa isang bagay. Pero bakit wala akong motivation? Actually gusto kong matutong sumayaw. Matagal ko nang frustration 'yon. Pwede naman 'di ba? Ay pora. Haaaay. Trabaho na naman bukas.
Malapit na namana kong ma-deps.
Pota.
No comments:
Post a Comment