4.11.13

Back to Basics

The last time I got mad, as in my type of mad was when I was still with C. After months of being stable, albeit not without its imperfections, I got mad again when I was with C again. We weren't together anymore but I was with him when it happened and consequentially, was also because of something he did. Without my noticing, I have stayed mad for well over a month.

Thanks to retrograde, I allowed myself time to think back and reflect on my attitude. I don't want to be mad anymore. I want to go back to what and who I was during those in-between months. I want to be zen, albeit not without its imperfections.

I don't like what I've become so I'm choosing the better. I want to apologize to everyone I've hurt during the past month. To everyone I've scolded, everyone I've said hurtful words to, everyone I've given the cold shoulder. I want to be better.

I have neglected a lot of things and a lot of feelings. I'm going to be better. I will do this.

I want to write everyone a letter. So maybe I would.

----

Dear FBI,

Ang dami kong naiisip nitong mga nakaraang araw at na-realize ko na hindi talaga naging maganda ang aktitud ko sa maraming bagay simula pa noong nakaraang buwan. Marami akong napabayaan at nakalimutan. Higit pa sa gawain, nakaligtaan ko ang higit na dapat pinakabibigyang-halaga, ang mga tao.

(Mahabang kuwento. You can TLDR this part.) Pagkatapos ng mahabang panahon ng "pag-aayos" at "pagpapagaling" nung summer, bumalik ako sa QC (as in the place) nang buong-buo at stable naman, though hindi perpekto. Feeling ko naman bumalik ako non sa bahagi ng sarili ko na mas gusto ko. Napanindigan ko naman yun for a time. Haha. Ilang buwan din akong steady, hindi nagagalit sa kahit na kanino o kahit ano, maganda ang attitude towards life, hindi malala ang mood swings, wala ring episodes, until naging toxic ang buhay ko nung September at, di ko naman maikakaila, nagkaproblema ulit kami ni Carlo, bukod pa sa halu-halo at marami pang ibang mga bagay. Hindi na ulit ako nakabangon mula don, ngayon ko lang naisip, nang magkaroon na ng kahit papaano ay konting pahinga. Lagi na akong iritable, puro trabaho, stressed, toxic bilang tao, at sa isang banda, 'yung pangit na ugali ng pagiging adik sa GTD (Getting Things Done).

Gusto kong humingi ng tawad sa lahat kung hindi naging maganda ang asal ko at lagi na lang naka-focus sa katuparan ng mga bagay-bagay. Sorry kung hindi ko kayo nakakamusta o kung nakakamusta ko man kayo ay kinulang sa pakikinig dahil bumaba na nang bumaba ang EQ ko. Tangina lang. Salamat din sa pasensya,  nandyan pa rin kayo hanggang ngayon.

(GM up to this part only)

B,

Wait, biglang wala akong masabi.

Rob,

Salamat sa pagiging parating andyan! Bukod sa mga araw na bumo-boyfriend duties ka. (Hiwalayan mo na kasi.) (Joke lang.)

No comments: