trying hard -- and everything else that I am but would never admit. Everything here is random and straight, no chaser. There's only one rule: No thinking twice. My existence skinned, x-rayed and CT scanned.
28.7.12
Hanggang Kailan
Hindi ko alam kung may pagka-masokista ba ako, sadyang mabait lang, o isang malaking tanga. Sinasabi ng karelasyon ko palagi na hindi ko dapat iniintindi ang sinasabi ng ibang tao. Paano kung nakikita kong genuinely concerned lang talaga ang ibang tao? Hindi ba sila naman ang nakikita in a broader sense at mas objectively sa nangyayari sa buhay ko? Paano kung sinasabi nilang masyado na akong nahihirapan at na-ho-hold back, and at the same time 'yon din naman ang nararamdaman ko talaga? Makikinig pa rin ba ako sa karelasyon ko na mag-focus sa positive? Paano kung nahihirapan na talaga ako? 'Yung totoo talaga? Paano ko ipapaliwanag sa karelasyon ko? Paano ko sasabihing hindi sapat ang pag-ibig? Na hindi sapat ang paglalambingan, pagyayakapan, at paghaharutan para masabing masigla ang isang relasyon? Paano ko pilit ipapaliwanag ang mga bagay na hindi naman n'ya pinaniniwalaan? Paano pa ako magpapaliwanag kung paulit-ulit na ang mga paliwanag?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment