3.11.11

Warning: RAAAAANT

Ito 'yung isa mga panahong gustung-gusto ko lang talagang umamats. Ang dekadente at ang junkie pakinggan pero, wala e, live fast and die young. That was the plan, at least. Anong nangyari, D?

Sobrang fucked up ng 2011. Sobrang daming masasalimuot na pangyayari na pinilit ko namang ayusin, pero mukhang may mga bagay na ganoon na lang talaga. Sabi ko nga gusto ko na lang sana ng normal at boring na buhay pero mukhang hindi na ipagkakaloob sa 'kin 'yun unless bitawan ko lahat ng bagahe at magsimula ulit. As in simula.

Sa tingin ko kaya ko naman kung tutuusin. Ang mawala sa 'kin lahat ng 'to? Hindi ko ikamamatay. Sa umpisa siguradong mahirap, pero alam kong kaya naman. Nasa paggawa ng kondisyon naman 'yan. Ang iniisip ko lang naman ay ang mga taong involved.

Unang-una si L (see previous posts), mabait lang talaga s'yang tao. Pinagsisisihin n'ya 'yung nangyari sa 'min. Hindi kaya ng pagkatao (at pride na rin siguro) n'ya na mayroon s'yang hindi kasundong tao sa mundong ito kaya rin nagkabati kami agad. Masyado s'yang pa-cool para maging kupal sa taong walang ginawa kundi maging mabait sa kanya. Oo, pa-cool din s'ya. Masaya na s'ya sa  kanyang perfectly crafted little world ngayon, bakit ko pa guguluhin? Maging accessory na lang ako at maging kaibigan sa kung anong paraang convenient sa kanya.

Pangalawa si C, hindi naman madaling iwan na lang basta-basta ang taong nakasama mo na sa langit at lusak nang mahigit dalawang taon. Mahal ko rin naman 'yung tao. At hindi ko ma-imagine kung ano kaya ang mga kaya n'yang gawin kung sakaling iwan ko s'ya. Alam kong sisirain n'ya rin ang lahat. Kung lalayo ako sa kanya, makabubuting lumayo na ako sa lahat.

Sabi ng marami kong kaibigan, hindi na maibabalik sa dati. Hindi na rin magbabago pa patungo sa mas mabuti. Magiging ganito na lang ka-kumplikado palagi kaya mas mabuti pang palayain ko na lang ang sarili ko. At least sarili ko man lang maisalba ko.

Sana sila na lang ang maunang sumuko. Sana magalit na lang sila sa 'kin at 'wag na 'kong kibuin. Hindi ko kayang kusang lumayo.

No comments: