27.3.14

Babay

Tulad ng kahit anong bagay na nakasama nang matagal, mahirap iwan basta-basta. Napagtanto ko, lahat ng desisyon ng paglisan ay may nakakabit na pait. Sabihin pang makakabuti, sabahin pang kinakailangan.

Pakiramdam ay tulad ng mga tanong. Sa akin lang kaya may halaga ang mga bagay? Ako lang kaya ang nakakaalala ng mga detalye tulad ng alikabok sa sulok ng pintuan? Minahal n'ya ba ako kahit kaunti, kahit minsan? Nagandahan ba talaga s'ya noong tinuro ko ang buwan?

Naaala mo kaya ang pagtakbo sa mauulang hapon? Ang biyahe ng bus papuntang rally? Ang pagkikita sa ilalim ng Philcoa overpass?

Papunta ako sa 'yo ngayon, para kumuha ng maleta. Pati paglisan ko ng bahay sa 'yo nakasalalay. Ano ba 'yan.

Just like the old times

I wish I can write
Sing
Dance
Take beats
From the heart

Meet the sun
With a new string of songs